Wednesday, November 09, 2005

big bad wolf versus straw house

a sample art i did for a children's storybook. hindi natanggap.

Image hosted by Photobucket.com

wolverine (ink)

over edgar tadeo's pencil sketch during the toycon 2005. actually my first attempt to ink somebody else's preliminary drawing.

Image hosted by Photobucket.com

Monday, July 18, 2005

nurse anne

Image hosted by Photobucket.com

anne
23 taong gulang
las piñas city, philippines
dating pre-school teacher na nag-nurse

nang minsang maaksidente si pinoy passenger, siya ang nag-asikaso sa kanya sa ospital. nagkataong dinalaw siya (pinoy passenger) ni evil twin para kutyain habang nasa ospital, na-in love siya (evil twin) sa magandang nurse na ito. yun nga lang ay kay pinoy passenger nahulog ang puso ng matimtimang nurse.

ka abner

Image hosted by Photobucket.com

abner pinaghilamusan
56 taong gulang
galing sa albay, philippines
retired driver, world war ii veteran.

special talent: tsuper-sense. (ang tanging kapangyarihan ni tsuper-man na naiwan sa kaya)

siya ang unang tsuper-man bago niya ipasa ang mahiwagang manibela kay pinoy passenger. siya ay isang taong may paninindigan at malalim na pananaw sa lahat ng bagay.

matapos niyang ipasa ng pagiging tsuper-man kay pinoy passenger, hindi na niya magagawa pang lumipad pabalik sa bikol. ngayon ay kailangan na niyang mag biyahe para bumalik doon, yun nga lang ay wala siyang pamasahe kaya't kailangan niyang mag-ipon upang maka-uwi.

pansamantala ay sapilitan siyang naninirahan sa poder ni pinoy passenger, sa ayaw nito at sa gusto.

evil twin

Image hosted by Photobucket.com

(yet to be named)
23 taong gulang
las piñas city, philippines
call center agent, musician, plays the harmonica
kakambal niya si pinoy passenger

secret identity: (tsaka na, spoiler e.)

nagtatrabaho siya bilang isang call center agent sa isang center sa makati. madami siyang hinanakit sa buhay kung kaya't lagi siyang aburido. bukod pa doon ay naiinggit siya at parati niyang kinukumpitensiya ang kanyang kakambal. hindi niya kasi maintindihan kung paano niyang nagagawang maging masaya, gayong pareho lang naman sila ng kalagayan sa buhay. hinding -hindi niya ma-take na nakikitang masaya ang kanyang utol.

ngunit kahit bitter siya sa kanyang buhay, hindi nangangahulugan na hindi ka maaaliw sa kanyang kuwento. riot sigurado 'pag umandar ang twisted na pag-uutak ng karakter na ito.

pinoy passenger

Image hosted by Photobucket.com

(yet to be named)
23 taong gulang
rizal, laguna, philippines
artist, photographer

secret identitiy: siya si tsuper-man

nagsimula ang kanyang biyahe sa comics section ng manila bulletin noong sept. 5, 2004. nagsimula ang mga kuwento niya sa mga pakikipagsapalaran niya bilang isang ordinaryong pinoy commuter. mula doon ay nagsimula siyang pumasok sa iba't-ibang eskinita habang naglalakbay sa biyahe ng buhay.